Oktubre 12, 2011

Pedring

Krimen: damage to property
Suspek: Bagyong Pedring
Biktima: Taga-Malabon
Petsa: Setyember 27, 2011 


isang kwento ng paghagupit ni Pedring sa isang bahay ng taga-Malabon.isang kwento ng bayanihan. 


Kasabay ng malakas na hangin at pahinto-hintong ulan na dala ng bagyong Pedring, sa unang pagkakataon binaha ang loob ng bahay namin. Noong araw na yan high tide din sa lugar namin tapos nagpakawala ng tubig sa dam at umapaw ang mga ilog sa amin. Resulta naging WATER WORLD muli ang Malabon at Navotas. Block-out din sa mga lugar na yan . 



10:00am di namin namalayan na unti unti na palang tumataas ang tubig sa labas ng bahay namin. Ng sumilip ako sa bintana namin, nakita ko na may baha na sa iskinita namin at ang nasabi ko lang ay "HALA KA!". 


At nagmadali na kami ng nanay ko na iakyat ang mga gamit namin sa baba tulad ng mga sangkatutak naming sapatos, mga kahon, pinggan na nakatago, mga drawers,sofa set at kung anu-ano pang abubot.
At agad agad naiakyat ng nanay ko ang TV namin, flat screen naman yun kaya mas magaan kumpara sa dating modelo ng mga TV. Yung ref. naman syempre di na kayang buhatin ng nanay ko yun kaya di na kami nahiya na magpatulong sa kahit sino na dumaan sa labas namin para buhatin to sa mataas na lugar. Dumaan ang dalawang manong na may mabuting puso na nag-angat ng ref namin sa dining chairs. Patuloy parin ang pagtaas ng baha kaya nag-abangan muli ang aking nanay kung sino ang maaaring tumulong na maiakyat ang ref namin sa hagdanan. Buti na lang dumaan ang magkapatid na kapitbahay namin at inakyat uli ang ref namin. Sa mga panahon na yan abala rin ako sa pagsasalba ng mga gamit namin na maaari kong maikayat. 

11:00am tinext ko ang aking kuya na binaha na ang loob ng bahay namin, at sinabi niya sa akin na pinauwi na daw siya galing sa opisina. Nguni't hirap daw siyang makasakay pauwi dahil baha na nga sa mga daan. 



"Kuya san ka na?hanap ka tulong mgakyat ng ref. lubog na un baba" 
11:26am konti na lang ay aabot na sa ikatlong hakbang ng hagdaan ang baha kung saan nandun yung ref. Nagreply si kuya 
"Dys,ppnta njan cla abo..d2 plng aq longos laki ng tubig". 

At agad agad naman dumating ang mga kababata ng kuya ko at malapit na kaibigan ng aking pamilya. Sila ang nagakyat ng ref namin sa ikalawang palapag ng aming bahay. Pagkatapos nun ay umalis narin sila dahil meron pa daw silang tutulungan.

umabot sa ikatlong hakbang ng hagdaan namin yung baha.
bali bumaba na yan nun kinunan ko

Hanggang bewang yung baha sa main street namin

Halos lagpas tuhod naman ang baha sa labas ng bahay namin

yan ang nagsilbing dining table namin noong tanghalian

Pagkatapos mananghalian, nakatulog ako dahil narin sa sobrang pagod. Hindi lang hanggang 2nd floor namin ang pinagakyatan ko ng gamit namin hanggang 3rd floor. Nagising ako gabi na, at unti-unti ng bumaba ang baha. Salit-salitan ang nanay't kuya ko sa paglimas ng baha. Kung anu-anong strategy ang ginamit nila pero mas effective yung kay mami kasi yung kay kuya kalahati ng tinatapon niyang baha bumabalik din sa loob ng bahay namin. 

Around 6:00pm wala ng baha sa loob ng bahay namin. Sabay-sabay kami nina mami, dadi at kuya na naghapunan sa hagdaan. 



Yang kandila ang nagsilbing liwanag sa aming bahay na nagbigay narin ng pag-asa para malakas na harapin ang bukas.


MY REAL EMOTIONS: 
SALAMAT sa mga taong tumulong sa amin sa panahon na yan...sa mga taong malapit sa aming pamilya, kapitbahay at sa mga kabarangay. Dati  ang "bayanihan" ay makikita sa pagtutulong ng mga magkakapitbahay na buhatin ang Bahay Kubo. Sa panahon na naging konkreto na ang mga bahay sa bansa, halos di na natin ang bayanihan sa pagbubuhat ng kubo. Pero kahit nabubuhay na tayo sa modernong panahon, makikita parin ang "bayanihan" sa kahit anong panahon o henerasyon. 

Basta Pilipino ka, asahan mo na may Pilipino din na tutulong sayo. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento